Wednesday, May 7, 2014

Filipino Street Foods - pangtawid sa mini-gutom

Tipikal na sa ating mga pilipino ang pagkahilig sa pagkain. Karaniwan nang makikita ang kanin sa hapag kainan tuwing agahan, tanghalian, at sa hapunan. Ngunit, subalit, at datapwat, papaano kung ikaw ay nagmamadali at walang oras para magluto ng ulam o magsaing man lang? Paano kung kulang ang pera mong pambili at gutom na gutom ka na? Huwag mag-alala, narito ang sampu na pinakapatok na alternatibong pangtawid gutom na karaniwan na makikita sa lansangan. 


10. Camote Cue or deep fried sweet potato and Banana Cue or deep fried saba or saging

Sila ang isa sa pinaka-popular o pangkaraniwan nang makikita sa ating mga lansangan at tindahan di lamang sa mga probinsya, pati na rin sa lunsod.

Saging na saba o di kaya'y kamote na hiniwa na pinirito at tinuhog sa barbeque stick, pinatamis ng asukal na nagcaramelize palibot sa saging o di kaya at kamote.

Karaniwang ginagawang miryenda.


 9. Maruya ir Banana Fritters or Pinaypay

Ang maruya ay isa pa rin sa pinaka paboritong miryenda nating ma plipino. ang hiniwang saging na saba ay pinagulong sa arina at itlog at pinirito.

8. Fish Balls, Squid Balls, Tempura at Chicken Balls


Sino ba naman sa atin ang hindi nakaranas na makigulo at makituhog kapag andyan na ang naglalako ng fishball, squid balls, tempura at chicken balls. Sa halagang 50 centavos ay makakabili kana ng isang fish ball, pero syempre, bitin yun. Paalala lang na huwag kalimutang bilangin ang tinuhog nang hindi magkautang kay Manong magfi-fish ball. 


No comments:

Post a Comment